Lahat ng batang edad 3–11, ang kanilang mga magulang, at mga lider at guro sa Primary ay inaanyayahang makilahok sa isang Friend to Friend na pandaigdigang event para sa mga bata.
Ang makasaysayan, naiibang event na ito mula sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw ay may kasamang musika at mga aktibidad gayundin ng mga mensahe mula kina Pangulong Russell M. Nelson, Elder Ulisses Soares ng Korum ng Labindalawang Apostol at sa mga miyembro ng Primary General Presidency.
“Sabik akong maranasan ng mga bata ang espesyal na Friend to Friend na event na ito,” sabi ng Primary General President na si Joy D. Jones. “Sana ay madama nilang sila ay mahalaga, kailangan, at minamahal ni Jesus at ng Ama sa Langit. Hindi malilimutan ang pagkakataong ito na maging konektado sa iba pang mga bata sa iba’t ibang panig ng mundo habang sama-sama silang natututo at umaawit tungkol sa kung paano sila makatutulong na tulad ni Jesus.”
Paano Makikilahok
Ang event ay mapapanood simula ng Sabado, Pebrero 20, 2021, alas 11 n.u.* mountain standard time sa Ingles (kabilang ang ASL), Espanyol at Portuges, na ang nilalaman ay magmumula sa bawat isa sa tatlong wikang ito. Maaari itong panoorin sa ChurchofJesusChrist.org, Facebook, YouTube, BYUtv app, at iba pang media.
Simula Marso 13, 2021, ang event ay mapapanood sa Cantonese, French, German, Italian, Japanese, Korean, Mandarin, Russian, Cebuano at Tagalog.
Hinihikayat ang mga magulang na panoorin ang event kasama ang kanilang mga anak sa oras na maluwag para sa kanila. Maaaring ibahagi ng mga lider at guro ng Primary ang event na ito sa mga batang maaaring hindi kasama ang kanilang mga magulang sa panonood. Sa oras ng event, ang mga bata ay aanyayahang makilahok sa mga aktibidad. Mainam kung may nakahandang papel, mga gamit sa pagdrowing at banal na kasulatan.
Ang Friend to Friend na event ay binubuo ng maiikling segment na dapat paulit-ulit na panoorin, paliwanag ni Sister Lisa Harkness, unang tagapayo sa Primary general presidency. “Bawat segment ay magiging malaking asset sa pag-aaral ng ebanghelyo sa tahanan at magiging bahagi ng inspiradong pag-uusap ng pamilya,” sabi niya. “Nakikinita namin ang mga bata na nanonood kasama ng kanilang mga kaibigan at nagbabahagi ng mensahe ng ebanghelyo habang sama-sama silang natututong tularan ang mga halimbawa ni Jesus.”
Sabi ni Sister Cristina Franco, pangalawang tagapayo sa Primary general presidency, “Umaasa kami na itong Friend to Friend event ay magpapalakas sa pananampalataya ng mga bata kay Jesucristo habang sinusunod nila ang halimbawa ng Tagapagligtas sa paggawa at pagtupad ng mga tipan, pinaglilingkuran, at minamahal ang iba gaya ng ginawa Niya.”
Ang event ay maaari ring panoorin anumang oras pagkatapos ng paunang brodkast. Ito ay ia-archive sa face2face. ChurchofJesusChrist.org, sa Latter-day Saints Channel, Gospel Media at Gospel Library at maaaring i-stream o i-download.
Mga Stake Technology Specialist
Para sa streaming, wika at iba pang mga detalye, sumangguni sa iskedyul ng brodkast. Para sa tulong sa satellite equipment at broadcast streaming, tingnan ang mhtech.ChurchofJesusChrist.org.